NAMUMUNGANG PUNONGKAHOY

Isa sa magandang pagkakitaan at nakalilibang ay ang pagtatanim ang mga namumungang punong kahoy. Ngunit ang nagiging problema naman ng mga may tanim ay mababang kalidad ng bunga, sakit at mapaminsalang insekto na sumisira ng bunga at ng puno, at ang mataas na halaga ng pataba (fertilizer) at gamot (insecticide/pesticide). 

Ito ang dahilan kaya binago at ginawang modern ng Atovi ang agrikultura upang mawakasan na ang walang katapusang problema ng mga "growers", gawing simple na lang ang pag-aalaga ng fruit trees, kumita at mag-ani ng prutas na tunay na organic, ligtas na makain ng tao.

1/3
PAANO GAMITIN ANG TECHNOLOGY SA MGA PUNONG PANANIM (SEEDLINGS):

  • Para sa seedlings, ispreyan ng Atovi ang mga buko na lalabasan ng bunga (primary bud at secondary buds) para sumuloy ang mga ito at magkaroon ng maraming lateral branches.  Ang pagbibigay ng Atovi ay higit na mas magaling gawin sa pagitan ng 4-6pm. Inirerekomenda na gawin ito ng dalawang beses sa loob lamang ng isang linggo. Dilution: 1 kg. Atovi : 1 Drum of Water.  

  • Sa mga sanay na kurutin ang mga buko (pinching of buds), ispreyan ng Atovi ang parte na kinurot. 

  • Kapag magulang na lahat ng lumabas na “shoots” o naging magulang na ang mga dahon. Mag-spray uli para mahikayat ang lalo pang paglabas ng mga buds. 

PAANO GAMITIN ANG TECHNOLOGY SA MGA BATA AT MATATANDANG FRUIT TREES:

  • Upang mahikayat na magbulaklak, maglagay ng abono na (14-14-14 plus micronutrients) at pasadahan ng isprey ng Atovi ang lahat ng “shoots” na tinatamaan ng sikat ng araw sa pagitan ng 4pm-6pm. Ang timpla ay 1 kg. Atovi ihalo sa 1 drum ng tubig. Maari ding ipalit sa abono ay dumi ng manok, baboy,pugo, at iba pa. Kapag hindi lumabas ang bulaklak ng isang buwan ay mag-ulit ng Atovi. 

  • Kapag lahat ng bulaklak ay nakalabas na,banayad na ispreyan ang mga ito ng tubig na may Atovi (mist only) sa dakong hapon tuwing makalawang lingo (every 2 weeks). 

PAANO GAMITIN ANG TECHNOLOGY SA GRAFTED AT  MARCOTTED FRUIT TREES:

  • Sa grafting: matapos na putulin ang “scion” mula sa mother tree, itubog sandali (5minuto) sa tubig na may Atovi (1 tbsp Atovi kada 1 liter ng tubig ) ang mga dulong bahagi ng scion na pinagputulan at pagkatapos itubog ay sikapin na maidugtong agad ang scion sa mga sanga ng puno. 

  • Gamitan din ng Atovi ang dulo ng sanga na pinutol kung saan idudugtong ang scion na kinuha sa mother tree. 

  • Diligan ng tubig na may Atovi linggo-linggo sa dakong hapon ang punong nadugtungan. Dilution: 1 tbsp. Atovi  bawat 4 na litrong tubig. 

  • Sa pagma-marcot naman, lagyan agad (ispreyan) ng Atovi  ang sanga na inalisan ng bark o balat.   Makalipas ang ilang buwan at maari nang putulin ang sanga na minarcot, ispreyan agad ang sanga ng puno na naputol, maging ang tumubo na marcot bago ilipat-tanim ito. Linggo-linggo din diligan ng Atovi ang bagong marcot na sanga. Dilution: 1 tbsp. Atovi kada 4 litrong tubig. 

TEAM ATOVI WILL CONTINUE TO EDUCATE, SHARE, & INSPIRE OTHERS

IF YOU HAVE ANY QUESTIONS OR NEED ANY HELP, HERE'S HOW YOU CAN REACH US

Telephone:

(02) 842-3003

Mobile Number:

09175408887​

09399172886

Fax:

842-5312

WE HAVE FACEBOOK AND YOUTUBE TOO

facebook-icon-18-256.png
youtube-01.png

DON'T WORRY,  IT'S FREE!

AGRONANO INC.