GULAY

1/5
PAKINABANG SA PAGGAMIT NG ATOVI SA TANIMAN NG GULAY:​

  • Ligtas kainin, masarap at malalasahan ang tunay na lasa ng gulay na malinis dahil nailalabas ng Atovi nanotechnology mula sa gulay ang anumang pumasok dito na heavy metals mula sa hangin at lupa,lason mula sa pesticide/insecticide/ molluscide/herbicide, at kemikal sanhi ng commercial fertilizer.

  • Nahihikayat ang maraming pagbubunga dahil ginagawang episyente ng technology ang plant cells kaya lahat ng sustansya na nasa lupa at ibinibigay dito na abono ay nakukuha at napapakinabangan ng tanim sa kanyang paglaki at pagbubunga.

  • Mas matagal na panahon na pakikinabangan sa pamumunga ang tanim na may Atovi,kumpara sa walang technology na maagang tumitigil sa pagbubunga at pinapatay na agad ang puno.Nagagawa kasing pasiglahin ng technology ang puno kaya masipag itong magbunga.

  • Mas matibay ang “force of bonding” ng plants cells o kabuuan ng puno (ugat, sanga, dahon, bulaklak, bunga) kaya matibay din laban sa malakas na hangin kumpara sa ordinaryong tanim na walang technology. Sa karanasan ng iba, nagdaan ang malakas na bagyo, hindi gaanong marami ang napigtal sa sanga na bunga at bulaklak.

  • Mas siksik ang laman ng mga bunga ng gulay, kaya mas malaman at mas mabigat ang timbang. Bukod dito, ay hindi kayang butasin o “ngatngatin” ng mapaminsalang mga insekto ang mga bunga at agad ding umaalis. Hindi na magastos sa gamot.

  • Likas na naitataboy ang mga pesteng insekto dahil malusog ang pananim na may Atovi nanotechnology. Ayon sa mga experts, ang malusog na tanim ay naglalabas ng natural na samyo na nagsisilbing pananggalang nila at lason naman sa mga kalabang insekto.

  • Mas nagtatagal ang kasariwaan ng gulay na may technology kaya mas iwas-lugi.

PAANO GAMITIN ANG ATOVI NANOTECHNOLOGY SA GULAYAN:

  • Ang buto/binhi ay ibinababad sa technology para maging malakas ito at mabuhay. Para maagang magising at mabilis tumubo (germinate).

  • Dinidiligan ang puno o ispreyan ang kabuuan ng tanim mula sa pagiging punla hanggang sa mag-ani.

  • Makakatulong kung iispreyan ng technology ang mga buko (buds) para magtuloy-tuloy ang bulaklak na maging bunga din.

  • Ang aplikasyon ng technology ay sa pagitan ng 4:00pm-7:00pm para malamig ang panahon at para mas nakahandang tumanggap ang tanim.

  • Kung nakalabas ang bulaklak ay sa lupa magdilig ng technology. Huwag patamaan ang bulaklak. Ngunit kung may “mist” na paraan ng pag-iisprey, ay maaring banayad na mawisikan ng technology ang bulaklak.

  • Kung may makukuhang dumi ng hayop na ginagamitan o hinahaluan ng Atovi sa kanyang pakain, mainam itong gamitin na abonong natural. Humukay ng dalawa o apat na butas sa lupa paikot sa puno (north, south, east, west), at ilagay ang sariwang dumi at diligan ng Atovi bago bahagyang tabunan ito ng lupa. Ngunit mas mainam na sa panahon ng preparasyon ng lupa ang paglalagay ng Atovi at dumi ng hayop.

 

a.) Maliit na Buto o Binhi (kamatis, sili, talong, petsay, etc)


1 kutsarang (10 gramo) Atovi sa bawat 1 litrong tubig. Haluing mabuti. Ibabad ang buto ng 5 minuto. Ang pinagbabaran ay ipandilig sa lupa na pagtatamnan ng binhi. Maari nang itanim ang ibinabad na buto. Kung sa punlaan itinanim, araw-araw ay diligan ng tubig na may Atovi sa pagitan ng 4:00pm-6:00pm hanggang sa mailipat tanim. Sa pagtitimpla ng Atovi ng maramihan sa Drum: 1 kilong Atovi sa bawat drum ng tubig (160-200litres) para sa 1 ektaryang lupa. Ang aplikasyon ay dapat sa tuwing hapon 4-7pm).

Kapag ito ay isang dangkal na ang taas, maari nang gawin na lingguhan na lang o weekly ang pagdidilig ng Atovi. Kapag 1 piye (1foot) na ang taas ng tanim ay kahit monthly na lang ang Atovi application. Pero walang masama kung nais gawin lingguhan ang paglalagay ng tubig na may Atovi dahil walang “overdose” sa Atovi technology.


b.) Malaki/Makapal na Buto: (ampalaya, patola, sitaw, kalabasa)

 

1 kutsarang Atovi (10 gramo) sa 1 litrong tubig. Haluing mabuti at ibabad ang buto/binhi ng 30 minuto. Maaring ipandilig sa lupa na pagtatamnan ng binhi ang pinagbabaran na tubig na may Atovi. Banayad na diligan ito ng tubig na may Atovi (1 kutsarang Atovi sa bawat 4 litrong tubig) tuwing hapon (4-7pm) araw-araw. Kung 1 ektarya ang taniman, 1 kilong Atovi sa bawat drum ng tubig (160-200 litres).


Kapag ito ay isang dangkal na ang taas, maari nang gawin na lingguhan na lang o weekly ang pagdidilig ng Atovi. Kapag 1 piye (1foot) na ang taas ng tanim ay kahit monthly na lang ang Atovi application. Pero walang masama kung nais gawin lingguhan ang paglalagay ng tubig na may Atovi dahil walang “overdose” sa Atovi technology.

c.) Bunga ang Pananim (Rootcrops): (luya, gabi, carrots, labanos, ube, mani, kamote, sayote, patatas).

 

Ispreyang mabuti ng tubig na may Atovi ang gagamiting pantanim. Maghalo ng 1 kutsarang Atovi kada litrong tubig. Haluing mabuti at salain para hindi bumara sa sprayer ang mga buo-buo na makikita sa tubig. Ang latak ay ilagay lang sa butas o hukay(planting hole) kung saan itatanim ang bunga. Ispreyan din mabuti ng Atovi ang butas na pagtatamnan bago magtanim para makaiwas sa fungus/nematodes. Tiyakin na mabuhaghag ang lupa na pagtatamnan ng rootcrops o kaya ay mabuhangin para maganda ang paglaki ng bungang-ugat. Kapag lumabas na ang dahon sa lupa, ispreyan ng tubig na may Atovi (1 kutsarang Atovi kada 4 litrong tubig) weekly sa pagitan ng 4-7 pm sa loob ng 1 buwan at pagkatapos nito ay maari nang buwanan.

Kung 1 ektarya naman ang lawak ng lupain na pagtatamnan, maghalo ng 1 kilong Atovi sa bawat drum ng tubig (160-200litres).

Walang masama kung gawing lingguhan (weekly) ang paglalagay ng tubig na may Atovi dahil walang “overdose” sa Atovi nanotechnology.

d.) Cuttings/Katawan ang Pananim: (malunggay, at iba pa)

 

Ang lupang pagtatamnan ay diligan o ispreyan ng tubig na may atovi (1 kutsarang Atovi kada 4 litrong tubig). Kung malawakan ang lupang taniman ay 1 kilong Atovi sa isang drum na tubig per hectare.

Puwedeng itubog ang mga pinutol na katawan/cuttings sa tinimpla na tubig na may Atovi sa loob ng 5 minuto, o kaya ay ispreyan ang kabuuan ng pananim lalo na sa pinagputulan na bahagi. Gawin ang pagdidilig na may Atovi kahit weekly.

e.) Iba pang gulay:

 

Ang lupang pagtatamnan ay diligan o ispreyan ng tubig na may atovi (1 kutsarang Atovi kada 4 litrong tubig). Kung malawakan ang lupang taniman ay 1 kilong Atovi sa isang drum na tubig per hectare. Haluing mabuti ang “mixture” at salain (strain) bago i-apply sa lupa bilang “Land preparation.”

TEAM ATOVI WILL CONTINUE TO EDUCATE, SHARE, & INSPIRE OTHERS

IF YOU HAVE ANY QUESTIONS OR NEED ANY HELP, HERE'S HOW YOU CAN REACH US

Telephone:

(02) 842-3003

Mobile Number:

09175408887​

09399172886

Fax:

842-5312

WE HAVE FACEBOOK AND YOUTUBE TOO

facebook-icon-18-256.png
youtube-01.png

DON'T WORRY,  IT'S FREE!

AGRONANO INC.