BABOY

Malaking tulong ang Atovi technology sa pagkakaroon ng mataas na resistensya at kakaibang lakas ng alagang baboy laban sa mga sakit na dulot ng virus at bacteria. Sa isinagawang mga field test, ang mga matatandang inahin ay nabubuntis agad makalipas ang isang buwan na pagtanggap ng technology, habang ang barako na may na mahinang kalidad ng semilya ay naaayos at nagiging malusog. Ang mga problema naman ng pagkakaroon ng patay na mga biik na inilalabas ng inahin (stillbirth at mummified) ay nababawasan, at nakakaiwas na rin sa pagkakaroon ng sakit na scouring at pneumonia ang baboy.

1/2

Samantala, ang mga inaalagaang patabain o palakihing baboy (fatteners) ay mabilis lumaki at bumigat kaya naibebenta agad sa edad na tatlo at kalahating buwan (3.5 months) mula pagkasilang sa timbang na 80-85kilos (marketable weight), sa mas kaunting pagkain. Hindi na rin problema ang pagtatae (scouring) sa mga patabaing baboy at walang namamatay halos sa mga anak na biik na nanggaling sa mga inahin na nag-a-Atovi


Ang dumi ng baboy ay maituturing agad na organic pagkalabas nito sa hayop kaya maari na itong direktang ilagay sa halaman at gamiting abono dahil sa napatay na ng Atovi ang mga bacteria, virus, at parasites habang nasa loob pa ito ng digestive system ng hayop.  Dahil dito, wala nang gaanong ammonia sa dumi ng hayop.  Ganundin, ang karne mismo ng Baboy pag kinatay ay walang makikitang bakas o latak ng antibiotic at kemikal kaya ligtas na kainin ng tao, mas malasa, mas masarap, may good cholesterol at manipis na taba.

Sa ilalim ng bagong henerasyon na pag-aalaga gamit ang Atovi technology, ang pag-aalaga ng baboy ngayon ay mas simple na lang, mas magaan gawin, hindi na matrabaho, hindi na magastos sa tubig, wala nang masangsang at mabahong amoy ng dumi at puwede na ito gamiting organikong pataba sa halaman. Sa ilalim ng makabagong teknolohiya, hindi na rin nagpapaligo ng baboy, wala nang inilalagay na paliguan o “wallow”, wala nang paglilinis ng sahig ng kulungan, at maari nang gumamit ng sariwang ipa na magiging higaan ng baboy.

DOSAGE:

a.) Barako/Dumalaga/Buntis

1 kutsaritang Atovi (5 grams) sa bawat kilo ng pakain (feeds)

b.) Nagpapasusong Inahin

1 kutsarang Atovi (10 grams) bawat kilo ng pakain. 

Kapag nagtatae ang maraming biik, itaas ang dosage sa 2 kutsara (20 grams) ng Atovi at kapag magaling na ay magbalik sa 1 kutsarang Atovi. 

c.) Preweaning/Pig Booster

2 kutsarang Atovi (20 grams) sa bawat kilo ng pig booster feeds.

d.) Weanlings (Walay)/Pre-starter/Starter/Grower/Finisher

Sa unang 7 araw - 2 kutsara (20 grams) Atovi bawat kilo ng feeds at sa natitirang pre starter/starter/grower/finisher - 1/2 kutsarita (2.5 grams) ng Atovi kada kilo ng feeds.

TEAM ATOVI WILL CONTINUE TO EDUCATE, SHARE, & INSPIRE OTHERS

IF YOU HAVE ANY QUESTIONS OR NEED ANY HELP, HERE'S HOW YOU CAN REACH US

Telephone:

(02) 842-3003

Mobile Number:

09175408887​

09399172886

Fax:

842-5312

WE HAVE FACEBOOK AND YOUTUBE TOO

facebook-icon-18-256.png
youtube-01.png

DON'T WORRY,  IT'S FREE!

AGRONANO INC.